Rovi Yuno

Never Let Me Go 2

In Never Let Me Go on July 23, 2012 at 12:04 pm

Patuloy sa pagluha ang kanyang mga mata. Hindi ito matapus-tapos. Dinarama ng kanyang hubad na katawan ang lamig ng Galera. Dinilat nya ang kanyang mga mata at nakita nya ang masiglang pagkinang nga mga estrella sa kalangitan. Pinilit nyang ngumiti. Iniunat nya ang kanyang mga hitang kanina pa nakatiklop. Naramdaman ng mga ito ang lamig ng buhangin. Patuloy ang pag-ihip ng hangin. Tila ba isang requiem na naghahatid sa kanya sa kabilang buhay. Ang mga alon naman sa pampang ay tila mga demonyong patuloy na nagaalok sa kanya ng pwesto sa impyerno. Nakaramdam sya ng kirot sa kanyang puso.

 

Kakayanin ko to. Matatapos na ang lahat. Malapit na.

 

* * *

“And why are you complaining Mr.Lopez?.”

Hindi nya maintindihan ang inusal na iyon ng kanyang professor.

“Sir, hindi naman po ata tama ang gradong binigay nyo sakin.”

Kita nya ang pagtaas ng kilay nito.

“And who are you to tell me that the grade I have given you was not right?”

Nakatiklop ang kanyang mga kamao. Nagaapoy ang kanyang puso sa galit.

“I worked hard for this subject. Sir alam nyo kung paano ako nagaral para sa subject na to. My quizzes were great. Okay ang grade ko sa midterms at finals. Hindi ko alam kung saan ako nagkamali at di ako nakapasa sa subject nyo.”

Inikot ng matanda ang kanyang mga mata sa kwarto. Wala ng tao sa loob ng faculty room dahil na rin gabi na masyado. Umupo sya at ini-mwestra kay Jonathan ang upuan sa tapat ng table nito. Kahit na nagaalangan, naramdaman nyang nakaupo na lamang sya sa kahoy na upuang ito at naramdaman nya ang pagkalma ng kanyang sistema.

“You’re wasting my time, Mr.Lopez.”

Tinignan nya ang orasang kahoy na may pendulum. Malapit ng marating ng malaking kamay ang bilang na labingdalawa samantalang nakanguso naman ang maliit sa siyam.

“I’m sorry Sir. Pero hindi ako papayag na uuwi ako ngayong gabi na to nang hindi to naaayos.”

Napakunot ng noo si Mr.Alcantara. Hindi nya alam kung paano nya ipapaliwanag kay Jonathan ang pagbaba ng kanyang grado. Tinitigan nya ito, kahit na medyo moreno ay banaag pa rin ang kakisigang taglay nito. Ang kanyang mga braso ay malaki, dahil na siguro sa pagi-gym. Hindi nya maiwasang hindi humanga. Noong una palang na makita nya ito sa klase ay hindi nya na maalis ang tingin nya rito. Ngayong nasa iisang kwarto sila, at wala na masyadong tao, ay hindi nya maalis na gumawa ng mga bagay na hindi nya dapat ginagawa. Pinilit nyang ibaling ang kanyang atensyon sa reklamo ng bata.

“Mr.Lopez.” Sya ay napabuntong-hininga.

“Sir please.” pakiusap nya.

Nagtama ang kanilang mga mata.

“Gusto mong baguhin ko ang grado mo?”

Tumango si Jonathan.

“Ka-kahit ano Sir, gagawin ko. Wag nyo lang akong ibagsak. Ang hirap maging working student.”

Napalunok ang professor.

“Mr.Lopez, hindi ganun kadali yun. Sabihin na nating mataas lahat ng quizzes mo, maging ang mid-term at finals ay satisfactory rin, paano naman ang iyong attendance?”

Napailing si Jonathan. Aminado syang lagi nga syang liban dahil na rin sa kanyang pagwoworking student.

“Minsan ka na nga lang pumasok, tapos lagi ka pang tulog. Anong gusto mong isipin sa akin ng mga kaklase mo?”

Nakatitig si Alcantary sa kanya. Alam nyang mga ibig sabihin ang titig na mga yon. Kahit gaano kastrikto ang kanyang tono, alam pa rin ni Jonathan na may pinapahiwatig ito.

“Hijo, hindi sapat na magaling ka sa written. Ayaw kong isipin ng mga kaklase mo na papaburan kita dahil sa working student ka. Paano naman yung iba na bumagsak kahit laging present sa klase?”

Nagsimulang paandarin ni Jonathan ang kanyang kademonyohan.

“I understand Sir. But please. Gagawin ko lahat. Kahit ano.”

Napalunok muli ang propesor. Parang hindi nya ata kaya yung ‘kahit ano’ na iyon. Tumitig sa kanya si Jonathan. Alam nyang inaakit sya nito. Hindi nya mawari kung sobra na bang halata ang pagkahumaling nya sa binatang ito para sya ay akitin nito.

“I’m sorry Mr.Lopez, pero..”

Bago pa man nya ang kanyang sasabihin ay nakuha na ni Jonathan ang kanyang kamay at nailagay iyo sa kanyang maselang bahagi.

Halata ang gulat sa kanyang mga mata at sya ay napatulala. Hindi na sya nakapagreact nang iginaya nito ang kanyang kamay pahimas sa kanyang tinatago. Nakaramdam ang propesor ng init at nagtagumpay si Jonathan sa kanyang plano.

Rinig ang kanilang impit na mga ungol sa kwarto. Naging mas mabilis ang mga pangyayari. Puro hiyaw ang maririnig mo rito. Hindi na inintindi ng propesor ang panganib na dala nito. Kung sila ay mahuhuli ay maaring matanggal sya sa paaralan. Hindi nya inintindi ang batas ng paaralan at nagpadaig sya sa tawag ng laman. Binigay nya ang kanyang lahat para mapaligaya ang lalaking matagal na nyang inaasam. Hindi naman alam ni Jonathan ang kanyang nararamdaman. Alam nya na mali at nakakababa pero dapat nya itong gawin dahil alam nyang karapat-dapat sya sa mataas na grado dahil sa talinong angkin nya.

Aayaw-ayaw pa, eh gusto naman talaga akong tikman nitong matandang baklang to.

Lumipas ang ilan pang sandali at nararamdaman nila na malapit na nilang maarok ang tuktok. Naging mabilis ang pagindak ng kanyang baywang. Naging mas malakas ang hiyaw ng kanyang propesor. At naramdaman nya ang pagsabog ng mga mumunting tao na nanggaling sa kanyang katawan.

Kita ang ngiti sa kanilang mga labi.

Mabilis silang nagbihis. Nakangiti si Jonathan. Halatang nanliit naman si Alcantara sa nangyari.

“Sir, sana mabago na po yung grado ko. Alam nyo naman siguro na dapat ako sa mataas na marka.”

Tumitig sa kanya ang matanda.

“Sige. Babaguhin ko, basta wag ka lang maingay sa nangyari ngayon.”

Tumango si Jonathan bilang pagsangayon.

Kung sakaling hindi mo babaguhin ang aking marka, sigurado akong pagpepyestahan ka nga mga tao sa quiapo para sa scandal mo.

Ngumiti sya at lumabas ng faculty room.

Madilim na ang paligid. Kita nya ang marahang pagbagsak ng mga dahon mula sa mga puno malapit sa poste. Malamig ang simoy ng hangin. Malapit na ang pasko. Kailangan nyang kumita ng malaki para may maihain sa noche buena.

Inilabas nya ang kanyang cellphone. Pinanuod nya ang video na kinuha nya ng palihim habang ang kanyang propesor ay nagpapakasasa sa kanyang katawan.

Sino bang makakahindi sa kalakihan ko?

Ngumiti sya. Nakakademonyo. Isa syang lalaking gagawin ang lahat para sa kanyang pamilya, kahit ano, basta lang maibigay nya lahat ng mga pangangailan nito.

Pumara sya ng jeep. Uuwi muna sya ng bahay at magpapalit ng damit. Kailangan nyang kumita ng perang ngayong gabi. Sa paraang alam nyang mali pero hindi nya maiwasan, ang pagpuputa.

I t u t u l o y . . .

  1. sa kalakaran talaga ngyn kailangan maging tuso upang mabuhay.

Leave a comment